Monday, April 5, 2010

Beej

Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras na tayo'y kailangang maghiwalay
Puso'y lumaban man, walang magagawa
Saan pa, kailan ka muling mahahagkan

Kulang man sa 'tin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may pag-asa pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin

Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan pa, kailan ka muling mahahagkan

Kulang man sa 'tin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin

---

Dumating ka nung kailangang-kailangan kita. Dumating ka para muling ipakita sakin kung gaano katamis ang magmahal at ang mahalin nang buong buo. Yung pagmamahal na hindi namimili ng panahon at pagkakataon. Yung hindi nagsasawa at nagsisinungaling.


Ngayong kinailangan mong umalis, nangangako ako: hihintayin kita. Hanggang sa panahong gusto mo akong uwian, mananatiling nandito ako.


Kulang man sa 'tin ang mga sandaling nagkasama tayo, alam ko, hangga't mahal mo ako,


ikaw lang ang aking mamahalin.

No comments: