Thursday, November 26, 2009

Sya

Ang tagal na ng college. Ang tagal na rin nung simula kong isipin kung darating ba yung panahon na bibilangin ko sa aking mga daliri ang mga naging ex ko. Si K, si C, si M, at ang pinakahuli, si M. Hmm, apat na. At ngayon, papunta na ako sa ika-lima. Nakatatakot. Ilan pa kaya ang bibilangin ko bago ako tumigil? Ilan pa kaya ang mamahalin ko bago ako lumagay sa tahimik?


Ilang beses na kami nag-usap ng mga kaibigan ko, handa na ba kaming makita "sya" at bumuo ng kani-kaniyang pamilya. Merong nakatagpo na, kasal na lang ang hinihintay. Meron din namang walang balak pa at ni hindi pa makita ang kanyang sarili na titigil sa mga ginagawa nya para magpatali na. At syempre, meron din namang katulad ko, na matapos ang isang malaking buntunghininga ay nagsabi na, "Oo, handa na ako. At hinahanap ko sya." 


Gulat sila.


Nagulat din ako na nagulat sila. Alam naman nilang lahat na sa lahat ng mga naging ka-relasyon ko, pang-matagalan ang iniisip ko. Hindi ako naglalaro. Ni hindi tumitingin sa iba. Binubuo ko ang aking mundo para tumugma sa kanya, para sa ganun, makabuo kami ng iisang mundo na ihaharap sa iba pa.


Kaya naman, tulad ng maraming ka-edad namin. Alam kong handa na ako.


Hinihintay ko na lamang sya.


Sana, dumating na.

Friday, November 13, 2009

For the very last time

YOU'VE MADE ME STRONGER


Is it hard to believe I'm okay

After all, it's been a while since you walked away

I'm way past crying over your finding someone new

You turned my days into bright

But now I see the light

And this may be a big surprise to you


REFRAIN:

(But/'Cause) you've made me stronger by breaking my heart

You ended my life and made a better one start

You've taught me everything from fallin' in love

To letting go of a lie

Yes, you've made me stronger, baby, by saying goodbye


If you'd rather believe I'm not over you

Go ahead-there's nothing wrong with making believe

I know 'cause I used to pretend you'd come back to me

But time has been such a friend

Brought me to my senses again

And I have you to thank for setting me free

(Repeat Refrain)


Think again

Don't feel so sorry for me, my friend

Oh, don't you know

I'm not the one at the losing end.

(Repeat Refrain twice moving into higher notes 'till fade)

You made me stronger by saying

Goodbye…


Finally, I can truly say thank you for saying goodbye. Now, it's my turn. And for the very last time, 


Goodbye, M.

Thursday, November 5, 2009

Kay Bob Ong

Sabi ni Bob Ong, 


"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."


Ibinahagi ko ito sa Facebook at hindi kalaunan ay tumugon ang isa sa aking mga kaibigan.


Mula kay Mos:


Teka, parang mali pala si Bob Ong, hindi naman pala buong mundo ang kailangang ikutin (360 degrees) kundi kalahati lang ng mundo (180 degrees). Kasi kung buong mundo ang inikot mo, hinanap mo siya para talikuran lang ulit. Mas masakit yun.


Pero ang pinakamasakit siguro ay yaong magkaharap kayo, pero alam mo naman na wala kayo sa puso ng isa't isa.O kaya naman ay nasa puso mo siya, pero wala ka sa kanya.


Sa ganoong pagkakataon, pagbigyan ang sariling umiyak at magdalamhati. Ibuhos mo lahat. Kapag umiiyak ka pa din pero wala nang luha ang pumapatak mula sa iyong mga mata, aba tama na. Oras na para patawarin mo siya at ang iyong sarili. Tapos, hayaan mo na. Hindi naman katapusan ng "buong mundo" kapag tinalikuran ka ng isang tao. Ang totoo nyan, nagpapatuloy lamang ang pagikot ng mundo kung saan maari kang makatagpo ng karapat-dapat.


Mula sa akin:


Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang umikot na lamang ang mundo nang hindi ko namamalayan. Hindi ako tatayo na lamang upang pagmasdan ang pag-ikot ng aking kapaligiran. Lalakad ako, Mos. Tulad ng dati, magpapatuloy ako sa aking paglalakbay. Hahakbang muli at sasabay sa pag-inog ng mundo ang aking mundo. At sa huli, bibitbitin at aalalahanin ko lamang ang mga tao at alaalang magtutulak sa akin sa aking paglalakbay. Ang lahat ng iba pa'y iiwanan at mananatiling bahagi lamang ng aking nakaraan. 


Masaya ako at kabahagi ka ng aking kasalukuyan. Walang duda, isa ka sa mga taong aking aakbayan sa pagpapatuloy ko sa aking bawat paghakbang. 


Salamat.


---


Ikaw, sinu-sino ang mga kasama mo sa iyong paglalakbay?