Hindi ko alam na kung bakit sa araw-araw na ginawa ng Diyos nitong mga nakalipas na linggo eh parang hindi ako makagawa ng matinong trabaho. Kahit gaano kaayos ang tingin ko sa mga ginagawa ko, lagi na lang may kaakibat na kapalpakan na pinagpi-piyestahan naman ng mga boss.
Parang ngayon. Sobrang saya ko nung natapos ko yung isa kong pleading nang ipinatawag ako ng isa sa parang napakaraming bosses. Pagkapasok ko pa lang sa silid nya, kinabahan nako, tahimik si mokong. Tapos pinaupo pa ako. Nag-overdrive ata sa pagkabog ang puso ko. At ayun na nga, nasabon na naman ako.
At hindi lang yun, sabihan ba akong wala pa akong matinong ginawa ngayon taon! Anak ng... Nagpanting ang tenga ko, napalingon ako sa kanya nang mabilis at nanlisik ang mga mata ko. Wala raw? Potek. Baka ikaw wala, pero ako meron, meron, meron!!!
Tapos naisip ko, ah bahala ka. Mag-feeling kang mag-isa mo. Hmp.
Pero kahit na ganun, pasalamat pa rin ako kasi hindi sya nanigaw. Kaya hindi ako masyadong nalungkot. Affected, syempre, pero hindi naman sagad-sagaran tulad ng dati. Kaya pa naman. Kakayanin pa.
Laban lang nang laban. Sugod!
3 comments:
anak ng....tatay nya?! ehhehe
ganyan talaga kaya pag ikaw ang naging bossing gumanti k nalang este magpakabait ka ...:-) btw advans hapi bday
nyahaha buti hindi ka nagtransform at nagamok dun... hahaha nagiging pasensyoso ka na ah... tanda ka na nga hahaha...;p
haha, ako din! puro kapalpakan sabi ng boss ko this week... mukhang na-offend ko pa, ayaw akong pansinin the last two days...
HAAAAY! goodluck satin at sa mga boss natin!
PS. Hope you enjoyed your movie last night... ano'ng pinanood niyo?
Post a Comment