Saturday, January 24, 2009

Balik-tanaw

Ilang ulit ko nang tinangka na ilahad ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng wikang una kong natutunan. Ilang ulit na rin akong nabigo. Bigo hindi dahil salat ang bukal ng aking inspirasyon at kaisipan kundi bigo sapagkat waring ibinaon ko na sa limot ang indayog ng lirisismong Pilipino.


Nasaan na ang dating ako na hindi lamang matatas sa pagbigkas ng Filipino kundi mahusay din sa pagsasatitik ng mga kaisipan?

No comments: